TagTag pledge: Help us build secure and private social network

tagtag.com/kyg

Abante-Tonite  

Ang isang miyembro ng hip-hop band na Black Eyed Peas ay isang
Pilipino. Lumaki at tumira siya sa Pampanga hanggang maging 14 y/o
siya.  

Ipapalabas ng ABS- CBN ang inspiring true life story ni Apl. De. Ap,
ang nasabing Pilipinong miyembro ng Black Eyed Peas, ngayong Huwebes
(Mayo 27) sa Maalaala Mo Kaya.  

Si Jhong Hilario ang gaganap na role ni Apl.de.Ap sa episode na ito.  

Ipinanganak bilang Allan Pineda Lindo sa Angeles, Pampanga si
Apl.de. Ap, ang isa sa founding members ng Black Eyed Peas, ang hip-
hop band na may hit songs na Where is the Love?, Hey Mama, Shut Up
at The Apl Song (na may lyrics na Tagalog mula sa isang kanta ng
grupong Asin).  

Susundan ng Maalaala Mo Kaya ang kuwento ni Apl mula sa pagkabata
niya sa Angeles hanggang sa pagsisimula niya at ng kasama sa Black
Eyed Peas na si Will.I.Am bilang breakdancers at rappers sa Los
Angeles, California, hanggang sa pagsikat ng Black Eyed Peas sa US
noong nakaraang taon.  

Bakit iniwan niya ang kanyang mapagmahal na pamilya sa Pampanga
noong siya'y katorse anyos lamang?  

Sino ang mga tumulong sa kanyang makarating sa Amerika? Ano ang mga
naging inspirasyon ni Apl sa mga awiting kanyang sinulat para sa
banda?  

Ano na ang ipinagbago niya mula nang sumikat ang Black Eyed Peas?  

Syanga pala, darating ang Black Eyed Peas sa Pilipinas para sa mag-
concert sa Mayo 29.  


Home Site Map my.TagTag

Terms of Use
TagTag.com